Mga Larong kotse
Ang mga car game ay tungkol sa mabilis na pagmamaneho at pagpapanatiling steady ng iyong sasakyan kapag humirap na ang track at nagsimula nang magkaaberya.
Sa Poki, makakahanap ka ng 160+ libreng car game kung saan pwede kang magmaneho ng kahit ano, mula sa lumang kakarag-karag hanggang sa isang supercharged na sports car.
Makipagkarera sa masisikip na kalye ng siyudad, mag-drift sa mga kanto, iwasan ang mga balakid o paliparin ang iyong sasakyan mula sa isang ramp para lang makita kung magla-landing ka o babagsak. Sakay na at magmaneho!
Mga pinakasikat na car game
Ito ang 5 pinakasikat na car game na laging binabalik-balikan ng mga manlalaro.
- Drift Boss - 4.5⭐
- Smash Karts - 4.4⭐
- PolyTrack - 4.4⭐
- Drive Mad - 4.4⭐
- Eggy Car - 4.0⭐
Mga uri ng car game
Hindi lahat ng car game ay pare-pareho. Sinusubok ng ilan ang iyong bilis. Ang iba naman, ang iyong kontrol. Narito ang 5 pangunahing uri na maaari mong laruin sa Poki.
Mga racing game
Sa mga racing game, nakikipagkarera ka sa ibang mga driver para maunang makatawid sa finish line. Iwasan ang traffic, mag-skid sa mga kanto at bilisan kapag tuwid ang daan. Pwede mo ring subukang i-crash ang ibang mga driver. Gawin ang lahat para mauna!
Mga nangungunang laro: Grand Prix Hero, Cyber Cars Punk Racing
Obbies
Manatili sa track. Isang pagkakamali at game over na. Ang mga larong ito ay hindi gaanong tungkol sa bilis kundi mas tungkol sa kontrol. Magmamaneho ka sa makitid na mga platform na halos hindi mas malapad kaysa sa iyong sasakyan o iiwasan ang mga gumagalaw na balakid tulad ng mga umiindayog na spike o laser.
Mga nangungunang laro: Drive Mad, Monster Tracks
Mga drifting game
Sa mga drifting game, dumudulas ang iyong sasakyan sa halip na normal na lumiko. Magdi-drift ka sa mga kanto sa pamamagitan ng pag-timing sa bawat pagliko. Ang mga drifting game ay puro tungkol sa timing. Mag-tap nang masyadong maaga at iikot ka. Masyadong huli at malalagpasan mo ang kanto.
Mga nangungunang laro: Drift Boss, Sling Drift
Mga open world na car game
Magmaneho kahit saan at i-explore kung ano ang nasa paligid ng mapa. Walang finish line dito. Pwede kang magmaneho sa mga siyudad at tingnan kung magla-landing ang iyong sasakyan kapag tumama ka sa mga ramp at jump. Hindi rin matatapos ang iyong laro sa mga pag-crash, kaya maaari mong subukan ang mga pinaka-astig na stunt na kaya mo.
Mga nangungunang laro: Crazy Cars, City Rider
Mga car battle game
Pumasok sa isang arena at talunin ang ibang mga manlalaro bago ka nila matalo. Ang iyong sasakyan ang iyong sandata. Kung hihinto ka sa pag-atake, talo ka. Banggain ang ibang mga sasakyan at talunin sila para manalo.
Mga nangungunang laro: Smash Karts, Demolition Derby Crash Racing
FAQ
Ano ang pinakamagandang Mga Larong kotse na online?
- Blacktop Police Chase
- Carnado Stunt Car
- MR RACER - Car Racing
- City Car Driving: Stunt Master
- Smash Karts
- Obby Roads
- Crazy Cars
- Drive Mad
- Car Circle
- Supercar Legends
Ano ang pinakasikat na Mga Larong kotse para sa cellphone o tablet?


























































































































































