Mga Retro na Laro

Mga Laro para sa mga LalakiMga Laro para sa mga LalakiMga Larong ArcadeMga Larong ArcadeMaaksyon ng mga LaroMaaksyon ng mga LaroMga Laro sa PakikipagsapalaranMga Laro sa Pakikipagsapalaran
Mga 2 Manlalaro na LaroMga 2 Manlalaro na LaroMga Larong may HayopMga Larong may HayopMga Laro ng NitromeMga Laro ng NitromeMga Larong FlashMga Larong FlashMga Laro ng PlatformMga Laro ng PlatformMga Laro sa KasanayanMga Laro sa Kasanayan

Mga Retro na Laro

Dinadala ng mga retro game ang hitsura at gameplay ng mga lumang video game sa iyong browser, tampok ang mga pixel hero na gagabayan mo lagpas sa mga bitag at mga pamilyar na bubble at block puzzle. Makakahanap ka rito ng mga browser favorite mula sa panahon ng Flash o mga bagong laro na hango sa klasikong 8-bit style.

Maglaro ng 100+ retro games sa Poki, mula sa matitinding platform adventure hanggang sa nakaka-relax na pixel-art puzzle, at hanapin ang paborito mong throwback!

Mga pinakasikat na retro game sa Poki

Maging old-school kasama ang 5 pinakanilalarong retro game sa Poki!

  1. Retro Bowl - 4.4 ⭐
  2. Level Devil - 4.4 ⭐
  3. Color Artist - 4.3 ⭐
  4. Penalty Shooters 2 - 4.4 ⭐
  5. Retro Bowl College - 4.5 ⭐

Hanapin ang paborito mong throwback

Ang hinahanap moLaroAng gagawin mo
Isang pamilyar na arcade puzzleTetra BlocksIikot ang mga nahuhulog na bloke para makabuo ng mga linya bago umabot sa itaas.
Isang klasikong Flash browser gameBad Ice-CreamMangolekta ng mga prutas sa maze gamit ang mga yelo para harangan ang mga kalaban.
Isang matinding jumping challengeZoi: The EscapeTantyahin ang pagtalon sa mga platform na pumapasok mula sa magkabilang gilid nang hindi nahuhulog.
Old-school footballRetro BowlI-aim ang mga pasa, iwasan ang defenders, at buuin ang iyong dream team sa bawat laro.
Pampalipas-oras na pixel-artColor ArtistPumili ng pixel picture at kulayan ang mga kahon nito.
Negosyong palalaguinBlacksmith TycoonMagbenta ng mga sandatang gawa sa mamahaling bato, at gamitin ang ginto para palakihin ang tindahan.

Mga uri ng retro game

Pumili mula sa 7 uri ng retro game, kabilang ang mga platform adventure at klasikong puzzle.

  • Mga platform adventure: Tawirin ng maliliit na bayani ang mga bangin at iwasan ang mga bitag sa pixel world o makukulay na cartoon level. Tantyahin ang bawat talon para lumapag nang ligtas nang hindi nahuhulog o natatamaan ng bitag. Subukan ang: Apple Knight, Level Devil
  • Mga larong labanan at barilan: Haharangan ka ng mga kalaban sa istilong arcade habang tinatahak ang bawat level. Sa maliliit na arena, aatake sila mula sa lahat ng direksyon. Makipaglaban nang malapitan gamit ang mga suntok o bumaril mula sa malayo sa mga shooting game. Subukan ang: Dan The Man, Temple of Boom
  • Mga larong pampalakas: Binibigyan ng old-school look ang mga paboritong sports, mula sa pixel football hanggang volleyball kasama ang mga tumatalbog na hayop. Mag-score ng touchdown o ipalusot ang bola lagpas sa kalaban. Subukan ang: Retro Bowl, Penalty Shooters 2
  • Mga larong karera: Sumingit sa trapiko sa mga pixel na kalsada sa mga arcade-style na racing game. Mas nagiging astig pa ang mga track, kung saan puwede kang magmaneho sa kisame para lagpasan ang ibang racer. Subukan ang: Retro Highway, Flipside
  • Mga klasikong puzzle at board game: May mga nahuhulog na bloke at bubble puzzle kasama ang mga card game at maze. Sa mga puzzle game na ito, bubuo ka ng mga linya gamit ang mga bloke o pipiliin kung aling baraha ang susunod na tatanggalin. Subukan ang: Tetra Blocks, Royal Card Clash.
  • Mga laro ng pixel art at pangkulay: Hindi lang para sa mga hero at monster ang mga cute na pixel! Kulayan ang mga larawan nang paisa-isang kahon. Subukan ang: Color Artist, Draw Pixel Art
  • Mga larong pagtatayo at pamamahala: Binibigyan ka ng pixel world ng espasyo para magtayo ng tindahan o magpalawak ng sakahan. Mangolekta ng mga materyales na ibebenta, at gamitin ang kita para palakihin ang iyong negosyo. Subukan ang: Blacksmith Tycoon, Bunny Market

FAQ

Lahat ba ng retro games sa Poki ay mga lumang laro?

Hindi. Kasama sa koleksyon ang mga nagbabalik na paborito sa browser at mas mga bagong larong hango sa lumang istilo.

Anong mga retro game ang maaari kong laruin kasama ang isang kaibigan?

Makipagkarera sa iisang computer sa Flipside, o maglaban sa isa't isa at magkampihan laban sa mga halimaw sa Temple of Boom.

Maaari ba akong maglaro ng mga retro game sa aking telepono o tablet?

Oo. Maaari mong laruin ang Retro Bowl at Color Artist sa mga telepono at tablet. Kailangan mo ng computer para sa Flipside.
Mga Retro na Laro