

Google Feud
Level Devil
There Is No Game
House of Hazards
Duck Life
Life - The Game
We Become What We Behold
Murder
Trivia Crack
Friday Night Funkin'
Brain Test: Tricky Puzzles
Woody Sort
Green
Who Is?
Who is? 2 Brain Puzzle & Chats
Logic Master 1
Life Choices: Life Simulator
Brain Test 4: Tricky Friends
Infinity Loop
The Sniper Code
Flags
Brainrot Puzzle
Daddy Long Legs
Family Sort
Pop It Master
Meme Madness
Brain Test 2: Tricky Stories
Merge the Numbers
Brain Test: Tricky Words
2048
Car Circle
Skibidi Shooter
Brain Test All-Star
Brain Test 3: Tricky Quests
Pick Up Associations
Merge Rot
Brainrot Merge
It's Story Time!
Where's Your Country?
Brainrot Clicker
One Line Draw

Build My Brainrot
Hospital Stories: Doctor Rugby
Build Your Island
67 Game
Bottle Flip
Mga Laro sa Pagta-type
Mga Larong Meme
Mga Nakakabaliw na Laro
Mga Larong Gamit ang Mouse
Mga Stickman na Laro
Mga Larong Pagsusulit
Mga Laro para sa mga Lalaki
Mga Larong Flash
Mga Larong Utak
Mga Larong may Simulasyon
Mga Retro na Laro
Mukha siyang ordinaryong quiz game, pero agad nitong patutunayang mali ka! Bihirang gumana ang halatang sagot. Parang random lang sa simula, pero may malinaw na pattern kung paano nagpaparusa ang laro sa mga pagkakamali.
Laruin ang The Impossible Quiz nang libre sa Poki at pagdudahan ang lahat ng akala mong tama!
May 110 na tanong ang The Impossible Quiz. Karamihan sa mga manlalaro ay hindi man lang lumalagpas sa unang 20–30 tanong nang hindi nagre-restart nang paulit-ulit — kaya 'wag susuko kapag nagkamali, parte 'yan ng laro!
Magsisimula ka sa tatlong buhay, at mababawasan ka ng isa sa bawat maling desisyon. Kapag naubos ang tatlo, game over agad!
Karamihan sa mga tanong ay hindi ang akala mong tinatanong nila. Ang isang salita o simbolo ay pwedeng tuluyang magpabago sa kahulugan ng tanong.
May mga tanong ding nagtatago ng clue sa screen, at kapag na-miss mo ang mga ito, kadalasang buhay ang kapalit. Maghanap ng mga nakatagong elementong pwedeng i-click sa background o mga clue sa labas ng answer buttons.
May dalawa pang bagay na kailangan mong bantayan sa The Impossible Quiz: Skips at Bombs.
Oo naman, kayang-kaya! Kahit gaano pa ito kadaya tingnan, hindi random ang quiz. Madalas na nagbibigay-gantimpala ang mga tanong sa pagpansin sa mga paulit-ulit na patibong at maliliit na detalye sa screen.
Maraming manlalaro ang naghahanap ng sagot o walkthrough ng Impossible Quiz kapag paulit-ulit na nabibigo, pero kapag sumunod ka sa step-by-step guide, mawawala ang element ng skill. Ang progreso ay nanggagaling sa pagkatalo at pag-abante nang kaunti bawat laro!
Ang mga manlalarong humuhusay sa paglipas ng panahon ay natututo kung aling mga click ang nagbibigay ng parusa, kaya mas madali nang hulaan ang mga susunod na tanong.
Tutulungan ka ng mga tip na 'to para mapanatili ang iyong mga buhay nang mas matagal at mas lumalim pa sa quiz!
Ang The Impossible Quiz ay ginawa ni Splapp-Me-Do at unang inilabas noong 2007 bilang isang Flash game. Naging cult classic ito dahil sa kakaibang katatawanan at sa hilig nitong labagin ang sarili nitong mga patakaran!
Maraming tanong ang sumasalamin sa humor ng creator at sa internet culture noong panahong iyon, kaya naman sinasadyang maging madaya kaysa lohikal ang mga patakaran.
Ang estilong ito ay nagbigay-daan sa mga sumunod na sequel at nauugnay na laro tulad ng The Impossible Quiz 2 at The Impossible Quizmas na patuloy na sumubok sa mga mapanlinlang na puzzle.
Ang The Impossible Quiz ay inilabas din bilang mobile app sa Android at iOS noong 2011.
Pinanatili ng mobile versions ang parehong trick-question gameplay pero binago ang ilang interactions at nagdagdag ng mga bagong tanong.
Kung nae-enjoy mo ang hamon at panggigigil sa The Impossible Quiz, may iba pang laro ang Poki na susubok sa iyong pasensya at problem-solving skills!
Ang isa pang classic mula kay Splapp-Me-Do ay ang The Impossible Quiz 2 na nagtatampok ng parehong trick-question style na may mga bagong sorpresa.
Kung gusto mong maloko at maparusahan sa bawat maling hula, hatid ng World's Hardest Game ang parehong matinding hamon!