Mga Football na Laro
Sa mga laro ng American football, ikaw ang boss! Piliin mo ang play at kung saan mo ipapasa ang bola.
Timing ang pinaka-importante sa mga mabilis na sports gamesna 'to. Asintahin ang pasa mo at bitawan bago ka ma-tackle! Kung masyadong maaga, haharangin 'yan. Kung maghihintay ka naman, tapos na ang laban!
Sa ibang laro, diretso ka na sa takbuhan kung saan kailangan mong iwasan ang mga kalaban at mag-sprint papuntang end zone. Sa iba naman, mas chill lang at ikaw ang gagawa ng bawat desisyon, isa-isa.
Maglaro ng 10+ football games nang libre sa Poki! Mula sa mabilisang takbuhan hanggang sa pagkontrol sa bawat galaw sa isang drive.
Pinakasikat na mga football game
Narito ang 5 pinakasikat na American football games sa Poki ngayon.
- Retro Bowl - 4.4⭐
- Retro Bowl College - 4.5⭐
- Touchdown Rush - 4.5⭐
- 4th and Goal 2022 - 4.5⭐
- Touchdowners - 4.2⭐
Mga eksklusibong football game sa Poki
Ang ilan sa mga pinakamalaking online football game tulad ng Retro Bowl ay dito lang maaaring laruin. Hindi mo mahahanap ang mga libreng laro na ito sa ibang website!
- Binibigyan ka ng Retro Bowl at Retro Bowl College ng buong kontrol sa iyong team at sa bawat drive, hinahayaan kang pumili ng play at pagkatapos ay ikaw mismo ang magpapatakbo nito.
- Nakatuon ang serye ng 4th and Goal sa pagpili ng tamang play bago maubos ang oras.
- Nag-aalok ang American Football REAL ng mas direkta at puno ng aksyon na bersyon ng sport.
Mga uri ng football game
Bawat laro ay may kaunting pagkakaiba. Sa ilan, pipiliin mo ang bawat play sa isang drive. Ang iba naman ay tungkol sa pagtakbo lampas sa mga defender at pag-iskor ng touchdown.
- Mga play-by-play na football game: Kontrolin ang bawat drive, isang desisyon sa bawat pagkakataon. Piliin ang iyong play, basahin ang depensa, at gawin ang play bago ka mahuli ng mga defender.
- Subukan: Retro Bowl
- Mga arcade football game: Mabilis, magulong takbuhan kung saan umiiwas ka sa mga defender at dumidiretso sa end zone.
- Subukan: Touchdown Rush
- Mga quick-play na football game: Maiikling round at limitadong oras na pumipilit sa iyong kumilos nang mabilis at gawin ang iyong galaw.
- Subukan: 2 Minute Football Classic
FAQ
Puwede ka bang maglaro ng mga football game kasama ang mga kaibigan?
Puwede ba akong maglaro ng mga football na laro sa mobile?
Mabilis ba ang takbo ng mga larong ito?
Pare-pareho ba ang paraan ng paglalaro sa lahat ng larong football?



























