Nag-aalok ang aming koleksyon ng nakaka-adik na aksyon sa pagmamaneho para sa lahat ng manlalaro. Puwede kang magmaneho ng lahat ng uri ng malalaking sasakyan, kabilang ang pampubliko, pang-eskuwela, at tour bus! Tumbukin ang silinyador, at subukang humarurot nang mabilis gamit ang iyong malaking makina. Marami kaming iba't ibang hamon sa pagmamaneho na magpapasaya sa iyo nang maraming oras. Makipagkarera gamit ang isang commercial vehicle, ihatid ang mga customer sa kanilang destinasyon, at marami pang iba! Sa aming mga laro ng bus, puwede mong piliin ang paborito mong kapaligiran, pumili ng isang abalang lungsod, at humanda nang magmaneho ng pampublikong sasakyan!

Kayang-kaya lang magmaneho ng double-decker bus gamit ang mga simpleng kontrol sa aming mga laro. Puwede mong gamitin ang mga arrow key sa iyong keyboard para lumiko pakaliwa, pakanan, bumilis, at pumreno. Iba-iba ang takbo ng bawat sasakyan, na magpapanatiling matalas ang iyong mga kasanayan sa pagmamaneho at susubok sa iyong mga kakayahan. Magmaneho nang mabilis, mabagal, sumingit-singit sa trapiko, at subukang huwag ibangga ang iyong bus! O kaya, maghasik ng lagim sa isa sa aming mga hamon, kung saan puwede mong wasakin ang lahat ng makita mo! Sagasaan ang mga pedestrian, basagin ang mga fire hydrant, at gumawa ng matinding gulo!

Ano ang pinakamagandang Mga Larong Bus na online?

  1. Capitalist Bus Driver
  2. School Bus Demolition Derby

Ano ang pinakasikat na Mga Larong Bus para sa cellphone o tablet?

  1. Capitalist Bus Driver
Mga Larong Bus